Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng casualties at pinsala sa bagyong Pedring mula sa Central Luzon na posibleng malagpasan ang nagdaang bagyong Ondoy noong 2009.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, umakyat na sa 55 ang nasawi kay Pedring habang umaabot na sa higit P8.8 bilyon ang iniwang pinsala sa agrikultura at mga ari-arian.
Sinabi ni Ramos na kung pagbabasehan ang pinsala ng bagyong Ondoy ay umabot sa P10.9 bilyon, habang halos P9 bilyun na kay Pedring na posible pang tumaas dahil sa marami pang mga lugar sa Central Luzon ang gumagawa pa rin ng damage assessment.
Sa Bulacan at Pampanga lamang ay may pinsala na ng mahigit sa P250 milyon na inaasahang lolobo pa dahil sa patuloy na pagbaha.
Kaugnay nito, lalo pang mas mataas ang pinsala ni ‘Pedring’ at ‘Quiel’ kung pagsasama-samahin kumpara kay ‘Ondoy.’
Samantala, tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil sa paghagupit ng bagyong Quiel sa Regions 1,2 at 3.
Sa report ng NDRRMC, umabot na sa 10 ang namatay dulot ng hagupit ng bagyo maliban pa sa siyam na sugatan at isang nawawala.
Napinsala ang 7,601 na mga bahay at umaabot din sa halagang P115 million ang halagang nasira sa imprastraktura.
No comments:
Post a Comment