One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Supply ng bangus sa Disyembre, ikinabahala


DAGUPAN CITY – Nangangamba ngayon ang mga bangus operatos sa kakulangan ng supply ng bangus sa lungsod sa buwan ng Disyembre dahil sa pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Pedring at Quiel sa lalawigan.
Ayon sa inisyal na report, tinatayang nasa P19 milyon ang pinsala sa sektor ng bangus at P18 milyon dito ay mula sa mga fishpond na nasira dahil sa pagbaha.
Sinabi ng mga nag-aalaga ng bangus mararanasan ang kakulangan ng supply dahil hindi agad makakapagpalaki ng bangus.
Ito ay dahil sa malamig na ang tubig at papasok na ang alat tubig at magiging high tide tuwing gabi.

Inihayag ni Emma Molina, city agriculturist ng lungsod, malaki ang nagiging pinsala sa fishpond area dulot ng bagyong Pedring at Quiel na nanalanta sa lalawigan.
Sa ngayon aniya ay tumaas ang presyo ng bangus na nagkakahalaga ng P95 bawat kilo kumpara sa normal na presyo nito na P75-85 kada kilo.
Samantala, magbibigay ng pinansiyal na tulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga apektadong mangingisda.

No comments:

Post a Comment