One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Pacquiao, napulikat dahil sa matinding training


BAGUIO CITY – Nababahala si conditioning coach Alex Ariza makaraang mapulikat ang kaliwang paa ni Manny Pacquiao dahil sa matinding training nito.
Una rito, pansamantalang inihinto ng Filipino ring icon ang pagtakbo niya sa Sta. Lucia subdivision dahil sa biglaang pananakit ng kanyang paa.
Dahil dito, nag-stretching na lamang si Pacman at kaninang umaga ay sa Burnham Park na lamang ito tumakbo upang hindi masyadong mahirapan.
Ayon kay Ariza, kinakabahan sila lalo pa’t isang buwan na lamang bago ang susunod na laban ni Pacquiao sa Amerika.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Pacman na normal lamang na pulikatin siya dahil pataas ang lugar kung saan siya tumakbo at malamig pa ang temperatura sa lungsod ng Baguio.
Sa katunayan, umabot sa walong rounds ang sparring session ni Manny at Venezuelan boxer Jorge Linares.
Sa ngayon ay lalo pang tumitindi ang high altitude traininig ng pound-for-pound king lalo’t ilang araw na lamang ang nalalabi sa ensayo nila sa Baguio bago magtungo sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang training. 

No comments:

Post a Comment