Tiniyak ngayon ng gobyerno na hindi ito paho-hostage sa mga rebelde at may kalalagyan ang mga nagsagawa ng pag-atake sa tatlong minahan sa Suriogao del Norte.
Kahapon, pinulong ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Cabinet security cluster at ipinag-utos ang threat assessment sa bansa kasunod ng NPA attack.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, sinabi ni Ka Oris, tagapagsalita ng National Democratic Front-North Eastern Mindanao Region, hindi sila mangingiming gawin ang pag-atake sa ibang naglalakihang mining companies kung hindi pa titigil sa kanilang operasyon.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bibigyan nila ng seguridad ang mga negosyo at mamamayang pinagbabantaan ng mga rebelde.
Ayon kay Lacierda, ipaparating nila sa Department of National Defense ang nasabing impormasyon mula sa Bombo Radyo para makapagsagawa ng kinakailangang security operation.
“This government will not be [held] hostage to rebels and we will provide security not only to the firms that they are threatening but also to the local communities. And so, this is the firm commitment of our government, of our administration, and we will defend our people and they can be certain that we will not stop at prosecuting them and going after them,” ani Lacierda. “We will inform the Department of National Defense of this, of your information and they will take necessary actions to protect vulnerable areas and local communities.”
Kasabay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang gobyerno para malaman kung may nangyaring pagkukulang o lapse in security kaya nakalusot ang mga rebelde.
“That's the reason why nagkaroon ng ano… The President ordered [a review on] operational procedures. He wanted to know how it happened, why it happened,” dagdag ni Lacierda.
No comments:
Post a Comment