One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

3 PNP officials, sibak dahil sa NPA attack


Ipinag-utos na ni Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome ang pagsibak sa tatlong police officials mula sa Surigao del Norte sa probinsya ng Mindanao.
Ito ay kasunod ng pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tatlong mining companies.
Kinilala ang mga ni-relieve sa puwesto na sina S/Supt. Emmanuel Talento, pinuno ng Surigao del Norte police; Supt. Rudy Cuyop, public safety battalion commander, at S/Insp. Diomedes Cuadra, chief of police sa bayan ng Claver kung saan naroon ang tatlong minahan.

Una rito, inamin ng PNP na may kakulangan ng puwersa mula sa pulisya at militar kaya nangyari ang pananalakay ng mahigit rebelde.
Sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr., walang pumalit umano sa inabandonang detachment ng 68th Infantry Batallion ng Philippine Army sa lugar kung kaya’t nangyari ang pag-atake ng mga rebelde sa tatlong minahan at panununog ng mga trucks.
Pinabulaanan din ng opisyal ang sinasabing pagkasawi ng tatlong security guards na una nang kinumpirma sa Bombo Radyo Butuan ni Cuadra.
Alas-11:00 kahapon ng umaga nang dumating naman sa mining site si Interior Sec. Jesse Robredo at crisis committee memebers upang personal na mag-assess sa sitwasyon.

No comments:

Post a Comment