One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Bagong fraud witness, ‘di lang pang-presscon’


Naniniwala ang Malacañang na hindi pang-‘presscon lamang ang testigong iniharap ng DoJ-Comelec Task Force kaugnay sa alegasyong dayaan noong 2007 elections.
Kahapon, lumutang sa press conference ni Comelec chairman Sixto Brillantes si Norie Unas, ang senior aide ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. na nagdidiin sa mag-asawang Gloria at Mike Arroyo sa election fraud.
Sa nasabing presscon, sinabi ni Unas na nasaksihan nito ang pagbibigay direktiba ni dating Pangulong Arroyo kay Ampatuan para palabasin ang 12-0 result sa 2007 elections pabor sa line-up ng administrasyon.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pag-aaralan ng DoJ-Comelec Task Force ang ebidensya ni Unas at iva-validate              kung may katotohanan.
Ayon kay Lacierda, kauna-unahan itong pagkakataon na may testigong nakapagturo kay GMA sa manipulasyon ng pandaraya sa 2007 elections.

No comments:

Post a Comment