One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

P-Noy: Magsagawa ng threat assessment


Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa cabinet security cluster ang review ng mga operational procedures sa pagbibigay seguridad sa mga minahan.
Kasabay ito ng direktiba ng commander-in-chief kay AFP Chief of Staff Eduardo Oban na magsagawa ng threat assessment sa buong bansa kasunod ng pag-atake ng NPA sa tatlong mining sites sa Surigao del Norte.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, agad ipinatawag ng Pangulong Aquino ang security cluster kahapon matapos mabalitaan ang insidente.

Ayon kay Lacierda, patuloy pa nilang bineberipika ang motibo ng pag-atake na maaring may kinalaman sa extortion.
Nilinaw din ni Lacierda na walang casualty taliwas sa napabalitang tatlong security guards ng minahan ang napatay.
Muli namang iginiit ni Lacierda na isa itong isolated incident at tiniyak sa mga investors at mamamayan na committed ang gobyeno sa pagbibigay seguridad laban sa anumang banta ng pangingikil o karahasan.
“The Security Cluster is continuing the threat assessment ordered by the President, as well as a review of operational procedures.  We are thankful there were no casualties,” ani Lacierda.

No comments:

Post a Comment