One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Buwayang si Lolong, kumakain na


Nakahinga na ng maluwag si Bunawan Mayor Edwin Elorde, matapos kumain na ang pinakamalaking buwayang si Lolong.
Ayon kay Elorde, positibong indikasyon ito na nasa normal na kondisyon na ang 20 talampakang buwaya, matapos itong mahuli noong nakaraang buwan.
Dahil dito, ire-record na ang pagpapakain kay Lolong upang hindi naman ito masobrahan at manatiling malusog kahit nasa isang kulungan.
Una dito, halos isang buwan na hindi kumain ang giant reptile kahit binibigyan ito ng karne ng manok.

Dahil sa ipinakikitang pananamlay noon ng buwaya, pansamantalang isinara ang public viewing ngunit binuksan din kamakailan matapos kakitaan ng positive signs.
Pero kapag gabi ay pansamantala munang pinapatay ang ilaw sa lugar ng kulungan upang ito ay makapagpahinga.

No comments:

Post a Comment