One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

P-Noy, dadalaw sa Bulacan, Pampanga

Matapos ang pagdalo sa briefing ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), dadalaw din ang Pangulong Noynoy Aquino sa mga binahang lugar sa Bulacan at Pampanga ngayong linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, inaayos na ng Presidential Management Staff (PMS) ang schedule at nagsasagawa ng ocular inspection.

Ayon kay Lacierda, hindi agad pinuntahan ng Pangulo ang mga nasalantang lugar dahil baka magulo lamang ang relief and rescue operations kung pagkaabalahan siya ng mga local government officials.

“By the way, he is also going to visit the [affected] areas. The PMS [is already there tinitingnan lang ‘yung lugar na pupuntahan. Hinihintay lang na humupa ‘yung baha. Ang problema kasi, he doesn't want to be the focus of attention ‘pag dumadalaw right now. Kailangan talaga to respond to the concerns of the residents and he does not want to be an obstacle or an obstruction to the relief efforts going on. Kasi ‘pag nandiyan siya, alam mo naman ang mga local government officials, siya ang binibigyan ng pansin. So he doesn't want to divert attention from mga relief efforts na ginagawa. But he's fully aware [sa] mga ginagawa and he's been getting updates,” ani Lacierda.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Lacierda na walang kinalaman sa kritisismo ang pagdalo ng Pangulo kahapon sa NDRRMC briefing.

Magugunitang umani ng batikos ang Pangulo dahil sa persepsyong mabagal o kulang ang kanyang pagkilos dahil hindi namataan sa publiko sa kasagsagan ng kalamidad.

Iginiit ni Lacierda, nais talaga ng Pangulo na malaman ang update sa ginagawang relief operations at hindi rin totoong nagkulang ito dahil katunayan ay regular ang tinatanggap niyang reports mula sa mga kinauukulang opisyal.

No comments:

Post a Comment