One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Buong Luzon apektado uli ng parating na bagyo’


Matapos na tuluyang nakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Quiel, isang bagyo na naman ang inaasahan na mabubuo sa karagatang Pasipiko bukas araw ng Martes.
Ayon kay DoST Usec. Graciano Yumul, huling namataan ang low pressure area sa layong 530 kilometro sa hilagang silangan ng Visayas.
Sakaling maging tropical depression ay tatawagin itong “Ramon” kung saan inaasahang hahagupitin nito ang Batanes area sa araw ng Biyernes o Sabado.
Malawak ang dayametro ng naturang sama ng panahon kaya’t inaasahan na maaapektuhan nito ang buong Luzon na una nang sinalanta ng bagyong Pedring at Quiel.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone kaya’t ngayon pa lamang ay nagkakaroon na ito ng epekto sa Southern Luzon, Bicol region, Visayas at Mindanao na siyang dahilan ng mga pag-ulan.
Kasabay nito ay nagbabala ang Pagasa sa mga residenteng nasa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas laban sa hagupit ng storm surge o malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan dulot ng hanging habagat.

No comments:

Post a Comment