One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Nagpeke sa ‘picture’ ng DPWH, sinuspinde


Sinuspinde na ang isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpeke ng larawan ng kanilang mga opisyal ng ahensiya na ini-upload sa Facebook.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Ricky Carandang, sinuspinde ang aniya’y sobrang atat na empleyado.
Napag-alaman na kumalat sa internet ang larawan nina Undersecretary Romeo Momo, Director Rey Tagudando at District Engineer Mikunug Macud na nakatayo sa gitna ng nasirang seawall sa Roxas Boulevard para ipakitang nagtatrabaho ang mga ito sa gitna ng bagyo.<!--more-->
Una nang sinabi ni DPWH Sec. Rogelio Singson na pineke ang mga larawan at in-edit sa Photoshop.
Pero tiniyak nito na walang kinalaman ang nasabing mga opisyal sa pag-upload ng pekeng mga larawan na ayon sa kalihim ay nakakahiya.
Ayaw na ring pangalanan ni Singson ang gumawa ng pekeng larawan pero umamin umano ito sa kaniya at sinabi pa na walang kinalaman ang tatlong opisyal na nasa larawan.
Hindi na rin pinaimbestigahan ng DPWH chief ang iskandalo.

No comments:

Post a Comment