One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Mikey Arroyo at misis, kakasuhan na sa korte


Iaakyat na sa korte ng Department of Justice (DoJ) ang kasong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kina dating presidential son at Ang Galing Pinoy Rep. Juan Miguel ‘Mikey Arroyo at asawang si Angela Montenegro-Arroyo dahil sa hindi pagbabayad ng buwis simula 2004 hanggang 2009.
Batay sa DoJ resolution, kinakitaan ng probable cause ang usapin kaya marapat na iakyat sa hukuman ang reklamo.
Pinagbabayad naman ng BIR ang mag-asawa ng P73.85 milyon bilang aggregate tax liabilities para sa kanilang mga hindi nabayarang buwis.
Lumalabas sa imbestigasyon ng BIR na ang mag-asawang Arroyo ay may pag-aari na bahay sa Amerika, sa La Vista Subdivision sa Quezon City, at sa Lubao, Pampanga.
Isang beses lang din umano nagbayad ng buwis si Angela at ito ay noong 2004 sa kabila ng deklarasyon na mayroon silang mga assets.
Sina Mikey at Angela ang pang-37 na sa mga kinasuhan sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR.

No comments:

Post a Comment