One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

55 na ang patay dahil sa bagyong Pedring, Quiel


Umaabot na sa 55 ang bilang ng mga naitatalang patay bunsod ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Ito ang naging pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos kaugnay ng kanilang patuloy na monitoring.

Magugunitang unang tumama ang bagyong Pedring na may international name na Nesat noong nakaraang Martes.

Sinundan naman ito ng bagyong Quiel na may international name na Nalgae.

Ang nasabing mga bagyo ay pawang humagupit sa Luzon regions na naging dahilan ng malawakang flashflood at landslide.

Sa record ng NDRRMC, 52 ang nasawi dahil sa bagyong Pedring, habang tatlo naman dahil sa bagyong Quiel.

Aminado naman si Ramos na dahil sa magkakasunod na sama ng panahon, nagkakaroon ng bahagyang kalituhan sa pagbibilang ng namatay at nasalanta ng kambal na sama ng panahon.

Sinasabing naabutan na ng panibagong baha ang tubig ulan na iniwan ng mas naunang bagyo kaya may mga lugar na halos nadoble ang pagbaha.

No comments:

Post a Comment