Inaasahang matutuloy na ngayong araw ang paglabas ng Hong Kong court ng landmark ruling hinggil sa issue ng residency ng mga dayuhang domestic helpers (DH).
Kung maaalala, kahapon sana ito itinakda ni High Court Judge Johnson Lam subalit napilitang ipagpaliban ang sesyon bunsod ng pananalasa ng tropical cyclone na Pedring (typhoon Nesat) na nanggaling sa Pilipinas.
Ang nabanggit na landmark case ay unang isinampa ni Evangeline Banao Vallejos, isang overseas Filipino worker (OFW) na mahigit 25 taon na ring nagtatrabaho sa Hong Kong, subalit tinanggihang bigyan ng permanent residency.
Sa ilalim ng Hong Kongs Basic Law, maaaring mag-apply ng permanent residency ang isang dayuhan kapag nanatili ito sa Hong Kong ng mahigit pitong taon.
Bagama’t mahigpit na pinagbabawalan sa ilalim ng nasabing batas ang mga domestic helpers, iginiit ni Vallejos na maituturing umanong “unconstitutional and discriminatory” ang nasabing batas.
Anuman ang maging hatol mamaya ng korte, mayroon pang 28 araw ang mga partido na maghain ng kanilang apela.
Batay sa patakaran sa Hong Kong ang mga dayuhang kasambahay ay mas binibigyan ng halaga ang kanilang kondisyon kaysa ibang mga lugar sa Asya kung saan ginagarantiyahan sila na bibigyan ng isang araw na day off, may bayad na sick leave at pinakamababang sahod na tatanggapin na HK3,740 ($480) kada buwan.
No comments:
Post a Comment