Kasunod ng pinsala ng bagyong Pedring at nagbabantang panibagong bagyo na Quiel, tuloy na tuloy pa rin bukas ang nationwide, simultaneous tree-planting activity sa pangunguna ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Target ng aktibidad ang pagtatanim ng 200,000 mga seedlings at makatulong ang mga broadcasters sa pagsusulong sa environmental awareness sa bansa lalo na sa epekto ng global warming.
Ayon kay KBP national Chairman Herman Z. Basbaño, napapanahon ang naturang programa bilang pagsuporta na rin sa proyekto ng gobyerno na greening program.
Nagkataon din na eksaktong ngayong linggo ay ginugunita ang ika-dalawang taon matapos na mangyari ang malaking pagbaha sa bansa dulot ng bagyong si Ondoy.
“We all know that there are many flood-prone areas in the country,” ani Basbaño. “We hope that the KBPs initiative in key cities and provinces will generate a favorable and corresponding action from other sectors across the country.”
Ang naturang programa na tinaguriang “Oplan Broadcastreeing” ay pagpapakita rin ng pagmamahal at pagtatanggol ng mga broadcasters sa kalikasan bilang mga “environmental warriors.”
Ang matagumpay na “Oplan Broadcastreeing” na isinagawa sa Cagayan de Oro at Iloilo ilang taon na ang nakakaraan ang siyang nagbigay ng inspirasyon sa KBP na gawin ang simultaneous nationwide tree-planting activity.
Halos lahat ng mga KBP chapters sa Luzon, Visayas at Mindanao ay makikibahagi sa tree planting activity sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang grupo na kaagapay ng KBP.
Kabilang dito ang mga KBP chapters sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Mindoro, Quezon, Pampanga and Zambales, Metro Manila, Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Aklan, Negros Occidental, Eastern Visayas, Cebu, Iloilo, Butuan, Bukidnon, Cagayan de Oro, Davao at Cotabato.
Ang assembly time sa nabanggit na mga lugar ay alas-5:30 ng umaga.
Sa National Capital Region (NCR) ang assembly ay sa parking area ng Robinson�s East, Marcos Highway, sa Cainta City.
Habang ang planting site ay sa Barangay San Andres, Tanay, Rizal.
No comments:
Post a Comment