One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

4 na estudyante sugatan sa pananalasa ng ipo-ipo sa South Cotabato


KORONADAL CITY – Apat ka estudyante ang biktima ng pananalasa ng ipo-ipo sa isang paaralan sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ni S/Insp. Joan Maganto, chief of police ng Tantangan PNP ang mga biktima na sina Christine Jane Ogayco, Ashley Nicole Dela Cruz, Merian Anota Tonito at Loverlyn Laganto na estudyante ng Bukay Pait Elementary School sa naturang bayan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tantagan PNP, masyadong malakas ang hangin na tumama sa naturang lugar kung saan nag-collapse ang stage ng paaralan. 

Ayon kay Maganto, nasa kritikal na kalagayan ni Ogayco na nagtamo ng  sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dahil dito mananatili muna sa hospital ang mga biktima.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang kabuuang pinsala ng ipo-ipo.

No comments:

Post a Comment