One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Pasok sa elementary, HS, ‘di apektado ng strike’


Wala umanong kanselasyon ng klase ngayong araw, sa kabila ng nangyayaring transport strike sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa isang kalatas, inaabisuhan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan na tuloy ang pasok sa kinder, elementary at secondary levels.

Batay na rin umano sa assessment ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bagama’t may pagkaantala ang biyahe subalit hindi naman 100 percent na paralisado ang biyahe.

Maliban dito, may nakaantabay na rin umanong libreng-sakay ang MMDA para sa mga commuters, kabilang na ang mga estudyante upang hindi maapektuhan sa tigil-pasada ng mga militanteng grupo.

Personal namang hinarap ni Transportation and Communication Sec. Mar Roxas ang mga nagsasagawa ng transport strike sa lungsod ng Quezon.

Dito ay inilahad naman ni Piston secretary general George San Mateo ang kanilang mga hinaing at kung bakit hindi sila nagpapigil sa protesta sa kabila ng nangyaring pulong kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kamakailan, kasama ang iba pang lider ng transport organizations.

Bagama�t walang gaanong napagkasunduan, tiniyak naman ng kalihim na ipapa-abot niya sa kinauukulan ang concern ng transport group.

Samantala, iniulat ng Bombo Radyo Butuan na halos 90 percent umanong paralisado ang takbo ng transportasyon sa lungsod ng Butuan at kalapit na mga lalawigan.

Ayon kay Avel Javier, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Caraga), nakikisimpatiya din sila sa tigil-pasada sa pamamagitan ng kilos-protesta kasama ang iba pang mga progresibong grupo bilang suporta sa sektor ng transportasyon.

No comments:

Post a Comment