Ipinauubaya na ng Department of National Defense (DND) sa Malacañang ang pagharap sa gagawing apela ni dating military comptroller Carlos Garcia, kaugnay sa ipinataw na 2-year hard labor dito dahil sa paglabag sa tinatawag na Articles of War.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Department of National Defense (DND) spokesman Col. Hernando Iriberri, nagpahayag ng tiwala ang opisyal na dumaan sa masusing pag-aaral ng mga legal minds ng Palasyo ang ginawang pag-apruba ng commander-in-chief ng ipinataw na sentensiya kay Garcia.
Ang former major general ay hinatulan sa kasong paglabag sa Articles of War 96 at 97 at kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison.
“Definitely bago iyan inaprubahan ng President ay dumaan iyan sa pag-aaral ng mga legal minds sa Malacañang at maging dito sa departmento, kaya iyan na implement,” giit ng opisyal.
Sinabi rin ni Iriberri na ginagalang ng DND ang karapatan ni Garcia na iapela ang kaso nito saang mang korte.
No comments:
Post a Comment