One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Floyd, hindi nagmamadali sa Pacquiao face off


Taliwas sa inaasahan ng lahat na mangyayari na ang Floyd Mayweather Jr. versus Manny Pacquiao event sa susunod na taon, inihayag ngayon ng bagong WBC welterweight champion na hindi siya nagmamadali para sa nasabing laban.

Sa katunayan, inanunsyo ni Mayweather na nais muna niyang magpahinga muli ng 16 na buwan para masulit ang bakasyon kasama ang pamilya.

“I move when I want to move. I fight when I want to fight. That’s the great thing about being my own boss. … Since I gave the sport so many great fights, is it okay for me to take 16 months off to spend time with family? That’s all I ask.”

Maalala na kasunod ng kaniyang laban kay Oscar De La Hoya noong 2007, pitong buwang nagbakasyon si Mayweather bago muling lumaban kay Ricky Hatton.

Noong 2009 fight kay Marquez, tumagal din ng 21 buwan ang pahinga nito bago muling sumabak sa ring at mula 2010 kasunod ng panalo kay Shane Mosley, inabot ng 16 na buwan bago muling umakyat ng ring si Mayweather para kay Ortiz.

Sakali man umanong lumaban muli si Mayweather, bukas umano siyang bigyan ng rematch si Ortiz.

“If he wants a rematch, he can get a rematch,” giit ng former pound-for-pound king na si Mayweather.

No comments:

Post a Comment