Walang katiyakan ang Malacañang kung aabot kay dating Pangulong Gloria Arroyo ang hahabulin sa nabinbing pagpapakulong kay dating AFP comptroller at retired M/Gen Carlos Garcia.
Magugunitang balak ngayon na imbestigahan ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) na posibleng umupo lamang sa sentensya ng Court Martial laban kay Garcia.
Ang nasabing hatol ay 2005 pa ibinaba ng Court Martial pero hindi kinumpirma ni Arroyo na siyang commander-in-chief noon.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nito masabi ngayon kung aabot kay Arroyo ang dapat managot sa napabayaang parusa.
Ayon kay Lacierda, batid nitong ang commander-in-chief ang may ‘final say� sa anumang desisyon ng Court Martial pero hindi malinaw sa kanya ang proseso.
No comments:
Post a Comment