One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

2 pang testigo sa 2007 poll fraud, lumantad


Lumutang ngayon sa Department of Justice (DoJ) ang dalawa pang testigo sa dayaan sa eleksyon noong 2007.

Kasamang humarap sa media ni Justice Sec. Leila de Lima sina Atty. Lilian Radam, acting provincial election supervisor at chair ng board of canvassers sa South Cotabato noong 2007 at Atty. Yogi Martirizar, acting election supervisor at chairman ng board of canvassers sa North Cotabato noong 2007.

Ang dalawa ay parehong kinasuhan sa Comelec ng electoral sabotage ni Sen. Koko Pimentel.

Sa kanilang affidavit, direkta nilang iniugnay sa dayaan si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Nakausap umano nila mismo ng personal si Abalos noong Abril ng taong 2007 sa Davao City na siya umanong nagbigay ng direktiba para tiyakin ang 12-0 na panalo ng mga pambato sa pagka-senador ng Team Unity sa kani-kanilang mga lalawigan.

Tinukoy umano ni Abalos sa kanilang pag-uusap na ang instruction ay nagmula sa MalacaƱang.

Pareho umanong nalantad sa matinding pressure sina Radam at Martirizar para gawin ang pandaraya.

Wala umano silang pagpipilian kundi ang sumunod dahil may pagbabanta sa buhay nila at sa kanilang pamilya.

Masusi rin umanong minamatyagan ng ISAFP ang kanilang galaw noon.

Gumamit aniya sila ng sobrang kopya ng mga authentic forms ng certificate of canvass (CoC) na may supporting statement of votes para gamitin sa pagmamanipula ng resulta ng eleksyon.

No comments:

Post a Comment