Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, sina Atty. Lilian Radam at Atty. Yogie Martirizar ay parehong nag-apply para sa WPP coverage at pawang pasok sa basic criteria ng programa kaya agad nilang inaksyunan.
Ang dalawa ay parehong kinasuhan sa Comelec ng electoral sabotage ni Sen. Koko Pimentel, bagama�t si Radam pa lamang ang nakakasuhan sa hukuman.
Kaugnay nito, sinabi ng DoJ chief na inatasan na niya ang WPP na maghain ng manifestation sa Pasay Regional Trial Court kaugnay sa kaso ni Radam para ipaalam na ito ay nasa protective custody na ng DoJ dahil ito ay testigo sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa election fraud.
Samantala, kinumpirma naman nina Radam na mula nang siya ay maalis sa payroll ng Comelec at masampahan ng reklamong electoral sabotage ay tumanggap siya ng financial assistance mula sa ISAFP ng mula sa P50,000 hanggang sa P350,000.
Sinabi naman ni Martirizar na tumanggap din siya ng kaparehong halaga ng financial assistance.
Ang nasabing salapi ay inilaan para umano magamit nila sa kanilang medical bills, gastusin sa araw-araw at para makabiyahe at makadalo sa pagdinig at pagpupulong sa Maynila bunsod ng kasong isinampa laban sa kanila.
No comments:
Post a Comment