Sinabi ngayon ni PAL spokesperson Cielo Villaluna, dahil sa strike ng mga manggagawa simula kaninang alas-7:00 ng umaga ay wala nang nagsasaayos ng mga bagahe ng mga pasahero.
Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA-2) ay napakaraming mga pasahero ang stranded na nataon pa sa pagdaan ng bagyong Pedring.
Nagbabala ang PAL na gagawa ng legal na action laban sa mga manggagawa dahil sa paglabag umano sa batas na nakaapekto sa air service.
Nagpadala naman ng mga opisyal ang PAL sa paliparan upang kausapin ang mga pasahero at mga empleyado na bumalik sa trabaho.
Pero nagmatigas pa rin ang Palea na hindi babalik dahil iligal umano ang nakatakdang pagsibak sa maraming manggagawa simula sa Oktubre 1 para sa pagpapatupad ng outsourcing program.
“At 9am today, the management of Philippine Airlines decided that all flights (departing and arriving Manila) up to 6pm tonight are cancelled due to illegal work stoppage by the airline’s ground crew union. Flights to resume at 6pm onwards beginning with PR 145 to Iloilo. Those who want to rebook or refund their tickets can proceed to PAL ticket offices. PAL apologizes for the inconvenience as the airline goes through the difficult process of outsourcing its non-core services,” bahagi ng statement ng PAL.
No comments:
Post a Comment