One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

1 patay, 4 nawawala dahil sa bagyong Pedring

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang patay habang apat ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay NDRRMC executive director Benito Ramos, kinilala nito ang nasawi na si Chawn Andrie Daliora, isang taong gulang na nahulog sa creek sa Cabugao, Bato Catanduanes.

Kabilang naman sa mga nawawala ay sina Neil Bandariel, 32 taong gulang; Victor Cararot, 37 taong gulang pawang residente ng San Narciso, Quezon.

Nawawala rin sina Eddie Morpe ng Alabat, Quezon at Christopher Madhos, 37 taong gulang mula sa Brgy. Sabang, Baler, Aurora na pawang mangingisda.

Nasa 45 mangingisda naman ang nailigtas ng Philippine Coast Guard sa Bicol Region.

Samantala, walang nang supply ng kuryente ngayon sa Central at Northern Aurora, maging sa bayan ng Nakar, Infanta at Real, Quezon.

No comments:

Post a Comment