One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Mata ng bagyo nag-landfall sa Aurora-Isabela’



Tumama na ang mata ng bagyong si Pedring sa pagitan ng lalawigan ng Aurora at Isabela nitong alas-4:00 ng umaga.

Ayon sa Pagasa, tatahakin ng bagyo ang lalawigan ng Quirino, Nueva Viscaya, Buenguet at lalabas sa bahagi ng La Union.

Huling namataan ang lokasyon ng bagyo sa layong 15 kilometro sa hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na umaabot sa 170 kilometro bawat oras.

Patuloy ang pag-usad nito sa direksyon ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.

Nakataas ngayon ang signal number 3 sa Ilocos Provinces, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Cagayan, Isabela, Ifugao, La Union, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Tarlac, Pangasina at Zambales.

Signal number 2 naman sa Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang island, Babuyan at Calayan group maging ang Metro Manila

Signal number 1 naman sa Batanes, Mindoro provinces, Marinduque, Burias island, Camarines provinces, Albay, Southern Quezon, Catanduanes, Calamian group.

Ayon sa Pagasa, inaasahang hihina na ang bagyo ngayong tumama na ang mata nito sa kalupaan ng Isabela-Aurora.

Ngunit lalo itong magpapaulan sa buong Luzon kabilang na sa Metro Manila nitong maghapon dahil sa pinag-iibayong hanging habagat.

No comments:

Post a Comment