Tinawag na scare tactics o pananakot lamang ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ang banta ng Philippine Airlines (PAL) at Malacañang na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nagsagawa ng protesta noong Martes na nagdulot ng pagkaparalisa ng operasyon ng airline company.
Sa isang pahayag, sinabi pa ni Gerry Rivera, ang pangulo ng union ng mga ground workers, na “good luck” umano para sa flag carrier ng bansa.
Giit ni Rivera, bagama’t may nakaapekto ang kanilang isinagawang protesta sa operasyon ng PAL, pero sinisi nito ang bagyong Pedring kung bakit bumagsak ang computer systems at iba pang communication facilities ng kompaniya na nagdulot ng malawakang pagkaantala at kanselasyon ng mga biyahe.
“Good luck to PAL if it can argue its illegal strike case. But we know it is just a threat intended to frighten PAL employees, similar to its repeated warning of administrative cases against protesting workers,” ani Rivera.
Bukas, muling nagbanta ang PALEA na magsasagawa sila ng mas malawak ng protest rally sa airport.
Maalala na itinakda ng PAL sa Setyembre 30, ang huling araw ng mahigit 2,600 PAL employees na apektado ng ipinatupad nitong outsourcing program.
No comments:
Post a Comment