Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng isinagawang forum na “The Power of Open: A Global Discussion” sa main office ng Google sa New York City.
Sinabi ng Pangulo na katunayan ay may Official Gazette na itinatag ng kanyang Communications Group kung saan inilalabas ang mga executive issuances at mga impormasyong dapat malaman ng publiko.
Ayon sa Pangulo, maging ang data ng budgetary releases ng Department of Budget and Management (DBM) ay inilalagay na rin ‘on-line� para magign transparent ang pagkakagamit sa pondo ng gobyerno.
“Citizens now get traffic updates and obtain weather updates and storm signal warnings on Twitter, obtaining information online or in their cellphones. In fact, the cellphone helps cut red tape and bring government closer to the people. Take the example of .. Eastern Samar, where the poor conditions of a 579 lineal meter section of the Wright Taft-Guiuan Road was reported to our Department of Public Works and Highways via at SMS allowing this Department to take quick action and immediately undertake construction and repair work,” ani Pangulong Aquino.
Pero kasabay nito, ipinaalala naman ng Pangulo na dapat maging responsable sa paggamit ng internet.
Bagama�t malaking tulong umano ito sa pagbubulgar ng katiwalian, ginagamit din ito ng iba para magkalat ng kasinungalingan.
Kaya mahalaga umanong gamitin lamang ito sa positibong paraan at kasangkapan sa diyalogo tungo sa ikabubuti ng bansa.
“The ever-quickening pace of communications, and ever-increasing opportunities for engaging in conversations across sectors and borders is both a boon and a bane. Anyone with access to an internet connection can reach millions of people and dispense pearls of wisdom or, perversely, misinform and mislead in pursuit of a selfish agenda. Government must open itself to those pearls of wisdom, wherever they may originate,” dagdag ng Pangulo.
No comments:
Post a Comment