One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

5 patay, 7 sugatan sa grenade blast sa Tarlac

Patay ang limang katao habang pito naman ang sugatan sa pagsabog ng granada kagabi sa San Isidro, Lapaz, Tarlac.

Sa inisyal na ulat ng Tarlac PNP, hinagisan umano ng granada ng nakamotorsiklong suspek ang Eliza videoke bar sa lugar.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rebecca Pineda, Edwin Bernardo, Maria Theresa Labagala, Ronaldson Abello na pawang idineklarang dead on arrival sa La Paz Medicare Hospital at isang “Kim” na nasawi naman sa Paulino J. Garcia Hospital sa Cabanatuan City.

Samantala, dalawa umano sa mga naiulat na sugatan ay pawang mga menor de edad, habang ang iba naman ay mga trabahante, kustomer at bystanders lamang.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng suspek habang isinailalim na rin sa interogasyon ang may-ari ng nasabing bar.

Nagpapatuloy hanggang ngayon ang ginagawang pursuit operation ng mga otoridad sa mga salarin.

No comments:

Post a Comment