Sa kaniyang pagdating kaninang madaling araw, sinabi ng Pangulo na ilang kompaniya sa Amerika ang nangakong mamumuhunan sa bansa.
Kabilang umano rito ang planong pag-invest ng dalawang U.S. company sa tinatawag na coco-waters o buko juice sa Pilipinas kung saan lumalaki ang demands sa Amerika at Europa.
Umaasa ang Pangulong Aquino na lilikha ito ng maraming oportunidad at trabaho lalo na sa mga kanayunan.
Ito aniya ang nagiging bagong sports drink sa Amerika na minsan ay natatapon lang pero puwede palang pagkakitaan ng malaki.
“Nauuso po kasi sa Amerika ngayon ang pag-inom ng tinatawag nilang coco-water, na dito po sa atin ay buko juice kung tawagin. Dahil nga naman masustansya, natural, at maka-kalikasan ito, para pong nagiging bagong natural sports drink ito sa Amerika, na ngayon pa lang po ay daang-milyong industriya na,” ani Pangulong Noynoy.
Ipinagmalaki pa ng Presidente na ang mga foreign investors na ang pumipila para makibahagi sa pagsusulong ng ekonomiya ng bansa.
“Sa totoo nga lang po, mas angkop nang sabihin na ang mga banyagang kumpanya na ang pumipila upang makaangkas sa pag-angat ng ating ekonomiya.”
Naikwento rin ng Pangulong Aquino ang pagnanais ng iba pang kompaniya na hangad na palawakin pa ang negosyo.
Nariyan aniya ang IBM, BPO na Convergys at EXL, CG/LA, isang grupo ng mga kompaniyang interesado sa imprastruktura, at nakausap din ng Presidente ang US-ASEAN Business Council, isang malaking grupo kabilang ang Coca-cola, GE, Pfizer, Citigroup, at iba pa.
“Paplantsahin po natin ang mga proseso upang ang mga pahiwatig ay maging tunay na pagbubuhos ng puhunan�sasailalim sa prosesong walang wang-wang, walang manlalamang, at kasama ang mga Pilipino sa makikinabang. Nakikita na po natin ang resulta ng mabuting pamamahala. Kinikilala na po tayo ng buong mundo, hindi lang po ng mga negosyante kundi pati na ng mga gobyerno.”
No comments:
Post a Comment