Sa pinakahuling advisory mula kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Graciano Yumul, inaasahan umanong tatama ang sama ng panahon sa bahagi ng Batanes.
Maalala na unang inanunsyo ng opisyal na tinatahak ng LPA ang direksyon patungong Cagayan Province.
“Lumalabas sa latest numerical forecast natin na magla-landfall po siya sa Batanes. At ang landfall ho niya ay hindi na sa Martes, Huwebes na po,” ayon sa opisyal.
Huling namataan ang tropical disturbance sa layong 1,300 kilometro sa silangan ng Visayas, ngunit nananatili pa rin sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, kahit hindi ito gaanong lumakas ay maaari pa rin itong magdulot ng pinsala dahil sa mga pag-ulan at makapal na ulap na nahatak nito.
Sakaling tuluyang mabuo bilang isang tropical depression, tatawagin naman itong bagyong “Pedring”.
“So ine-expect po natin na although Batanes po ang landfall, magiging maulan po mula Martes hanggang Huwebes, Biyernes sa eastern seabord.”
No comments:
Post a Comment