One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Hello Garci’ recording, iimbestigahan ng DoJ


Kasama na umano sa pinag-aaralan ng fact finding committe ng DoJ at Comelec ang kontrobersyal na Hello Garci recording na siyang pinagmulan ng alegasyon ng dayaan sa eleksyon noong 2004.

Ayon kay De Lima, pinayuhan na rin niya ang komite na imbitahan sa imbestigasyon si dating Sharia Court Judge Nagamura Moner.

Nauna nang idinawit ni Moner si dating First Gentleman Mike Arroyo na nasa likod umano ng vote buying sa ilang bahagi ng Mindanao noong 2004 presidential election para matiyak umano ang panalo ni dating pangulong Gloria Arroyo laban kay Fernando Poe Jr.

Aminado naman ang kalihim na kakaunti pa lamang ang mga ebidensya at testigo na lumalantad para sa 2004 elections, hindi gaya ng dayaan noong 2007 kung saan may mga nakahilera pang testigo na magpapasabog umano ng malaking impormasyon.

Samantala, tinukoy naman ni Prosecutor General Claro Arellano, chairman ng Joint Investigating Panel ng DoJ at Comelec, na hinihintay na lamang nila ang idudulog na impormasyon ng fact finding committee para masimulan na ang pag-usad ng preliminary investigation laban sa iba pang mga posibleng sangkot sa dayaan.

No comments:

Post a Comment