One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

‘Habagat dahilan ng ulan; bagong bagyo asahan’


Inaasahan na hanggang sa araw ng Huwebes pa magtuloy-tuloy ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa malawakang bahagi ng Pilipinas lalo na sa Luzon.

Sinabi ngayong umaga ni Usec. Graciano Yumul ng Pagasa-DOST, epekto pa rin ito ng hanging habagat ng bagyong si Onyok bagamat nasa labas na ng Philippine area of responsibility.
Partikular umanong madalas na mararanasan ang pabugso-bugsong ulan ay ang bahagi ng Bulacan, Cavite at Metro Manila.

Samantala, naglabas naman ng babala ang Pagasa sa mga maliliit na sasakyan pandagat na mag-ingat laban sa malalakas na alon sa karagatan lalo na sa bahagi ng hilaga at silangan ng Luzon.

Sa kabilang dako, pinaghahanda naman ng Pagasa ang Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon sa pagpasok ng isa pang bagyo na papangalanan kay Pedring sa darating na araw ng Sabado o Linggo.

No comments:

Post a Comment