Pinatitiyak ng Pangulong Noynoy Aquino ang seguridad at kaayusan sa gagawing tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw.Ang nasabing transport strike ay inaasahang sasabayan din ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo na kaalyado ng PISTON.
Sinabi ng Pangulo na alam na ng MMDA at PNP ang dapat gawin kung may manggugulo sa strike.Ginawa ng Pangulo ang direktiba kina MMDA chairman Francis Tolentino at PNP chief Nicanor Bartolome bago tumulak papuntang US kagabi.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na gagamitin ng gobyerno ang lahat ng mga resources para matiyak na payapa, walang masasaktan at hindi mapeperwisyo ang mga pasahero ngayong araw.
“Yun pong tigil-pasada, I think marami po sa kanila ay hindi naman po talaga, ayaw makihalo sa transport strike. Nonetheless, ‘yung mga sasali po sa tigil-pasada, ang aming mungkahi lang sa kanila ay make sure that kayo po ay gumawa ng inyong kilos ayos sa batas dahil kami po ay handang kumilos kapag kayo�y lumabag po sa batas,” ani Lacierda.
No comments:
Post a Comment