One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Dragon Boat Team sasabak na rin sa rescue ops


Kinumpirma ngayon AFP Public Information Office chief Arnulfo Burgos na sasabak na rin sa rescue operation ang kampeon na Philippine Dragon Boat Team.

Sinabi ni Col. Burgos na nagboluntaryo na ang koponan na kinabibilangan ng mga sundalo dahil wala silang pagsasanay ngayong linggo.

Ayon kay Burgos, ginagawa na ngayon ang mga kinauukulang koordinasyon para sa lalong madaling panahon ay maideploy sa Bulacan ang Dragon Boat Team.

Malaki ang dragon boat na may mahabang 10 metro kaya marami umano ang tiyak na maisasakay at maililipat sa mas ligtas na lugar.

Kasabay nito, tiniyak din ni Col. Burgos na kahit nakasentro ang kanilang operasyon ngayon sa search, rescue and relief operations, hindi naman sila nagpapabaya sa pagbabantay ng seguridad laban sa posibleng pananamantala ng mga rebelde.

Bawat rescue team umano ay may kaakibat namang tropa na titiyak sa seguridad para hindi makapagsamantala ang mga kalaban ng gobyerno tulad ng NPA.

No comments:

Post a Comment