Magugunitang nais ni Bulacan Gov. Willy Alvarado na may managot sa nangyaring pagbaha sa kanyang lalawigan dahil sa paniwalang may pagkakamali sa sabayang pagpapakawala ng tubig.
Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, malaya ang mga kongresista kahit kaalyado ng Pangulong Aquino para magsagawa ng imbestigasyon kung kinakailangan.
Ayon kay Valte, hinihintay na lamang nila ang flood impact report at paliwanag ng National Power Corporation na may superbisyon sa mga dam, DILG at Pagasa.
“Well, ano po, nakuha na rin po natin ‘yung mga reports na ganyan; ‘yung mga reklamo nga po tungkol po doon sa pagri-release ng tubig galing ho doon sa mga dam and hintayin po natin ‘yung magiging pahayag ng NPC dahil ang nagde-desisyon po diyan kung kailan ho at kung gaano karaming tubig ang ipapakawala ay nasa NPC. So hintayin po natin ‘yung magiging pahayag nila,” ani Valte.
Samantala, pinuri naman ng Palasyo ang tree-planting activity na bahagi pa rin ng Broadcastreeing project ng KBP ngayong araw sa buong bansa.
Inihayag ni Valte n asana ay dumami pa ang ganitong uri ng programa para maparami ang mga punong kahoy na siyang depensa sa mga pagbaha.
No comments:
Post a Comment