One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Noy, dumipensa sa gov’t response sa kalamidad


(Update) CALUMPIT, Bulacan – Idinepensa ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagtugon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.
Ito’y matapos mabatikos ang umano’y mabagal na government response at ang kanyang kulang na presensya.
Sinabi ng Pangulo mula sa Calumpit, Bulacan na kung tutuusin ay mas mababa umano ng 10 porsiyento ang naitalang casualties sa bagyong Pedring na higit 50 kumpara sa ‘Ondoy’ na umaabot sa 400.
Bago pa man dumating ang bagyo ay naabisuhan na ang mga kaukulang ahensiya kaya nakapaghanda na at hindi na nangailangan pa ang pag-solicit ng mga relief goods ng DSWD hindi katulad noong pagtama ng bagyong Ondoy.

Bumwelta rin ang Presidente sa pagsasabing merong “naghahanapbuhay” lang alaga sa industriya ng pagiging kritiko.
“Maayos ang konsensiya ko, maganda ang performance ng buong gobyerno,” ani Pangulong Aquino.
Ayon kay P-Noy, bagama’t hangad ang zero casualty ay hindi talaga ito maiiwasan.
Problema pa rin aniya kasi ang kooperasyon ng mga tao at ito ngayon ang kanilang tinatrabaho.
Matapos ang pag-iikot sa Tarlac, Pampanga at Bulacan, dumalo ang Pangulo sa meeting ng Regional Development Council (RDC) sa Calumpit.

No comments:

Post a Comment