One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

International Red Cross, tumutulong na sa Phl


Tumutulong na rin ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa libu-libong naapektuhan ng baha sa Northern at Central Luzon.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Gwendolyn Pang, kasunod ng malubhang pinsalang tinamo ng ating bansa dahil sa magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Pang, unang nagbigay ng P800,000 na suporta ang Singapore Red Cross, sinundan ng international federation na umaabot ng P2.5 million at ICRC na may P1 million.

Pero kahit malaking halaga ang international support, kapos pa rin umano ito dahil higit na marami ang bilang ng naapektuhan ng baha.

Inamin ni Pang na may ilang grupo na naka-concentrate lamang sa ilang lugar, kaya ang ginagawa ng kanilang mga tauhan ay pasukin ang mas malalayong flooded area.

Kabilang sa mga lugar na kasalukuyang nirerespondehan ng PRC ang Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan at Malabon sa Metro Manila.

No comments:

Post a Comment