One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Pacman, focus sa footwork at speed sa training ngayong araw

BAGUIO CITY – Sumalang na sa matinding ensayo si pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kanyang ikalawang araw na high altitude training sa lungsod ng Baguio.

Alas-7:00 pa lang ng umaga ay sinimulan ni Pacquiao ang kanyang pag-eensayo upang masigurado na nasa hustong kondisyon siya sa laban nila ni Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas

Kasama ni Pacman ang buong Team Pacquiao na nagtungo sa Santa Lucia Subdivision upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-eensayo kung saan nag-focus ito sa speed at footworks.

Kasama ni Pacman na nag-ensayo ang ibang boksingero tulad ni Rodel Mayol at Dennis Laurente na sumabak din sa matinding training.

Isa sa mga posible at inaasahang mapipili sa undercard trilogy nina Marquez at Pacquiao ay si Laurente kung kaya’t maaga palang ay pinaghahandaan na nito ang laban.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Laurente, sinabi nito na kahit nahihirapan siya sa umpisa ng training dahil sa malamig ang klima sa lungsod ay ganado pa rin itong sumabak sa training.

Kung maaalala matagumpay na naipagtangol ni Philippine welterweight champion Laurente ang kanyang titulo noong August 11 ngayong taon.

No comments:

Post a Comment