Itinuturing ng MalacaƱang na tagumpay ng hustisya ang warrant of arrest na inilabas ng Pasay City RTC laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sinabi ngayon ni Justice Sec. Leila de Lima, vindicated na sila matapos ang “legal battle” na pinagdaanan sa Korte Suprema at sa nangyaring kaguluhan sa NAIA Terminal 1.
Ayon kay De Lima, hindi naging biro ang kanilang pinagdaanan sa mga nagdaang araw at naharap pa siya sa posibleng pagkaka-contempt sa Korte Suprema.
Inihayag ni De Lima na maipapaliwanag na ngayon kung bakit puspusan ang kanilang ginawang pagharang sa tangkang paglabas ng bansa ni Arroyo.
Mauunawaan na umano ng taongbayan kung bakit ipinaglaban nila ang watch list order (WLO) para sa hustisya at accountability.
Dahil dito, makakahinga na rin umano ng maluwag sina De Lima at bahala na ang korte sa kaso.
No comments:
Post a Comment