One Radio 102.7 FM Ang Radyo ni Juan:

Julaton, duguan pero wagi vs challenger

MEXICO – Napanatili ngayon ni Ana Julaton ang kanyang WBO super bantamweight title matapos nitong talunin sa pamamagitan ng unanimous decision ang kalabang si Jessica Villafranca sa Polifuncional Sports Complex sa Yucatan, Mexico.

Hindi naman naging madali ang laban para kay Julaton dahil pumutok ang kanyang kanang kilay matapos tamaan ng head-butt.

Sa unang bahagi pa lamang ng laban, nakitaan na ang Pinay boxer ng kakaibang galing, bilis at pagkaagresibo kaya kontrolado nito ang 10-round bout.

Lahat ng tatlong hurado ay pumabor sa 31-anyos na si Julaton laban kay Villafranca na 18 taong gulang pa lamang.

Si Julaton ay sinanay din ni World Boxing Hall of Fame trainer Freddie Roach at mayroon ng professional record na 10-2-1 (win-loss-draw).

Siya ay natalo noong nakaraang taon kay Lisa Brown pero bumangon at inagaw ang korona kay Maria Elena Villalobos.

No comments:

Post a Comment