Pinangunahan ito ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) kung saan nagsumite rin sila ng position paper at letter of request sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima para hilingin na magkaroon ng dialogue sa nasabing isyu.
Ayon kay UMA secretary general Rodel Mesa, 10 barangay sa Hacienda Luisita ang umano�y pino-postehan ng mga militar na nagdudulot ng tensyon at pangamba sa mga magsasaka roon.
Dagdag pa ni Mesa, mala-Martial Law ngayon ang umiiral sa mga pangunahing komunidad sa hacienda dahil inaalam ng militar ang bawat galaw, aktibidad at kinaroroonan ng mga magsasaka.
Matapos magsagawa ng programa sa harapan ng DoJ, tumulak na patungong Mendiola ang grupo para makilahok sa pagkilos ng iba pang militanteng grupo na gumugunita ngayon sa anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar o Martial Law.
No comments:
Post a Comment